Sunday, February 24, 2013

Illegal Mining in the Philippines



ILLEGAL MINING IN THE PHILIPPINES



Alam mo ba ang mga masamang maaaring idulot ng pagmimina sa ating  lipunan? Naiisip mo ba kung gaano kalaking pagkawasak ang kaya nitong gawin? Alam mo ba na paubos na ng paubos ang pinagkukunang yaman sa buong mundo? Ako'y naniniwala na halos lahat ng tao ay alam kung ano ang na-iaambag ng pagmimina sa atin..at alam kong lahat tayo ay may alam sa maaaring maidulot ng pagmimina sa ating buhay sa paglipas ng panahon...


Alam nating lahat na ang pagmimina ang isa sa pinagkikitaan ng ating bansa dahil kaya nitong suportahan ang pangangailangang financial ng ating bansa. Alam nating lahat na ang mga mineral ay may katumbas na malaking halaga kaya nagdadala ito ng salapi sa ating bansa. Ngunit meron ding masasamang epekto ang pagmimina sa ating kapaligiran at ating kalusugan, at naniniwala ako na hindi ito alam ng nakararami dahil na rin sa kahirapan.


Kung iisipin natin, nawawasak ng pagmimina ang dapat na pinapanatili natin para sa mga susunod pang generasyon, at kinakailangan natin ng napakamaraming taon para ito ay manumbalik sa dati kung ititigil natin ang ganitong gawain. 


Ang mga tao ay napaka makasarili, di natin naiisip kung ano ang ating magiging kinabukasan, ang tanging iniisip lang ng tao ay ang pagkita ng pera kahita alam nila na may iba silang nawawasak o nasasagasaan sa kanilang ginagawa.

2 comments:

  1. Napakasama talaga ang maidudulot nang illegal mining, di nakakabuti sa nature natin. Sakit.info

    ReplyDelete