PILIPINAS:
(OVERPOPULATED or MISMANAGED?)
Para sa akin, hindi overpopulated ang Pilipinas. Ang populasyon lamang sa mga pangunahing lungsod ay hindi akma sa kapasidad nito, ito ang tinatawag na overcrowding. Ang magagamit na pinagkukunang yaman ay hindi kayang suportahan ang laki ng ating populasyon. Kaya ang overcrowding ay mas may kinalaman sa kapabayaan ng gobyerno sa sitwasyong ito.
Ang ekonomiya ng Pilipinas ay matatatag kasabay sa paglaki ng populasyon sa Pilipinas. Gayunpaman, ang pagtaas ng ekonomiya ay depende sa kakayanan ng populasyon na makabili. Mas maraming sanggol ang nabubuhay sa Pilipinas, mas maraming diapers ang maibebenta, nangangahulugan na ito ay magdudulot ng mataas na kita sa kompanya at mas malalaking sweldo sa manggagawa.
Ang pagtaas ng krimen ay kasabay ng pagtaas ng populasyon sa Pilipinas dahil mas nagiging mahigpit ang kompetisyon para sa limitadong yaman ng ating bansa.
Kung ang pagkokontrol sa populasyon ng Pilipinas ay hindi
opsyon, dapat maging handa ang lahat sa katakut-takot na ating kahihitnan.
i like it.. good job!
ReplyDelete