KABATAAN: Pag-asa nga ba ng bayan?
"Ang kabataan ay pag-asa ng bayan", katagang iniwan ng ating bayaning si Rizal na hanggang ngayon ay maririnig pa rin sa buong sambayanan.
Tayong mga kabataan ang siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bansa. Ihahaon natin ito sa kahirapan at ibibigay natin ang hinahangad nitong kasaganahan. Ito ay ilan lamang sa mga kaugalian at katangiang inaasahan ng mamamayan na taglay ng bawat kabataan para sa ikauunlad ng ating bayan.
Ngunit nasaan na nga ba ang mga pag-asa ng bayan? Ito ba yung mga kabataang lulon sa droga? Ito ba yung nag-aaksaya ng oras at pera sa paglalaro sa mga computer shop? Ito ba yung mga kabataang nasa murang edad pa lamang ay meron nang sariling pamilya? Kung ito ang iyong pagbabasehan, masasabi mo pa rin ba na kabataan ang pag-asa ng bayan?
Katulad ng mga bagay na “instant”, dahil sa salitang ito, akala ng mga kabataan, lahat ng naisin nila ay madali lamang makamit ng hindi pinaghihirapan. Sa pagkain, madaling pantawid-gutom ang mga “instant” ngunit kulang naman sa sustansya at bitamina. Kaya maraming sakit na naglalabasan ngayon dahil sa kakulangang ito. Ang mga makabagong teknolohiya katulad ng computer, TV, at iba pa ang nagiging daan upang madagdagan ang ating kaalaman, ngunit ito rin ang nagiging dahilan kung bakit nalilihis ang kaalaman ng ating mga kabataan sa tunay na kalagayan ng lipunan.
Ang pagkakaroon ng pag-asa para sa bayan ay isang maliit na bagay lamang ngunit napakalaki ng naibibigay nito sa lahat. Naisip ko lang, kung lahat tayo hindi mawawalan ng pag-asa, siguro magiging inspirasyon ang bawat isa upang kumilos at gumawa ng maganda para sa bayan.
Tayo na at mag tulungan.Tayo ang inaasahan ng ating mga magulang na mag aahon sa kanila sa putik ng kahirapan.Ang panahon ng pag kilos ay ngayon. Patunayan natin sa buong mamamayan na tayong KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN.
blog complete..congratulation :) i enjoyed reading your blogs
ReplyDelete94/100 :)
ReplyDeletenice marvs :)
ReplyDelete